Wednesday, November 16, 2011

The GA VENUE

video

The first ever 
SRI Grand Alumni Reunion 
is happening here. 
Be a part of this, be there as it unfolds
as we make this historical event of our life.

MGA TANONG SA REUNION Part 2


TANONG:       SAAN PO BA TALAGA GAGANAPIN ANG GRAND REUNION?
SAGOT:          Ang  SRI Grand Reunion ay gaganapin sa CAYETANO SPORTS COMPLEX,  Bagumbayan, Taguig City, sa ika-7 ng Enero, 2012 magmula 2PM hanggang  ika-12 ng umaga.

TANONG:       KANINO AT PAANO MAGBIBIGAY NG FINANCIAL HELPS or PLEDGES FOR THE EVENT?
SAGOT:          There are two ways:  Una, personal na iabot ng inyong treasurer kay MS. EMMA MERCADO at kayo po ay dapat mabigyan ng resibo. Ikalawa, pwede din naman ideposito ninyo sa Grand Alumni account number:  194-3-19424322-8 METROBANK PATEROS BRANCH.  Dapat po ay maitabi niyo ang inyong Deposit Slip bilang record ninyo.

TANONG:       HANGGANG KAILAN BA DAPAT MAGBIGAY NG PLEDGE?
SAGOT:          Hangga’t mas maaga mas mabuti. Ang totoo niyan,  sana po ay maipasok ninyong lahat ng tulong bago mag- ikalawang linggo ng Disyembre, 2011

TANONG:       MAGKANO PO ANG ENTRANCE SA GRAND REUNION?
SAGOT:       Wala pong bayad ito…. Wala ring ticket na ibinibenta…. Bukas ito sa lahat ng NAGSIPAGTAPOS SA SRI (1956 – 2008) Welcome LAHAT  - WALANG BAYAD!

TANONG:       PAANO PO AKO PWEDENG MAG-ACTIVE SA GRAND ALUMNI REUNION?
SAGOT:          Naku! Napakagandang tanong iyan! J   Maraming tao ang kailangan natin para magtulong-tulog for this  Grand Reunion.   Ito ang mga sumusunod na DAPAT MAY TUTULONG!
1.       OPLAN House to House (maraming grupo ito na gagawin ng weekends) Masaya ‘to!
2.       Motorcade sa Pateros, Taguig, Makati (mas lalaong masaya ito)
3.       Mga magsisiganap sa stage:  Singers, dancers at mga presentasyon
4.       Segment hosts, Directors  at choreographers  para sa programa
5.       Magsasaayos ng Exhibit Wall
6.       Mag sasaayos ng stage design at venue
7.       Mga mangangalap ng tulong pinansyal at hindi pinansiyal
Inaanyayahan kitang dumalo sa DECEMBER 4, 2PM sa Ususan, Baranggay Hall. Nais kitang makilala ng lubos.

Note:   Sa lahat po ng may nais magtanong, paki email lang po sa   juriesriga@gmail.com o mag post ng comment sa  http://nagsipagtapossasri.blogspot.com    Ang mga tanong na ito ay PM sa atin sa facebook,  jurie_roa@yahoo.com
                      MARAMING GAGAWIN, SANA… MARAMI DIN ANG TUMUTULONG!

Wednesday, November 9, 2011

MGA TANONG SA Grand Reunion

TANONG: SIR JURIE, HOW TRUE NA MAY GRAND REUNION?

SAGOT: YES! Huli ka na ata sa balita. July pa nang magsimulang umingay ang grand reunion na ito. July din nahalal ang organizing committee at hinamon na gawin ang GRAND ALUMNI REUNION na ito sa JANURY 7, 2012. Sa maikling panahon at sa gitna ng maraming paghamon , pinipilit parin na maitaguyod ang MALAKIHANG PAGTITIPONG ITO sa petsang napagkasunduan noong unang general meeting. Mayroong Plan A, pero dahil sa maraming dahilan, PLAN B na ngayon ang pinagsisikapan maisakatuparan. Ang dakilang hangarin sa event na ito ay ANG MAKADALO ANG NAKAKARAMI NA WALANG TIKET NA BABAYARAN.

TANONG: PAANO MAITATAGUYOD ANG GRAND REUNION, MAY PONDO BA?

SAGOT: May dalawang importanteng phases ang kailangan ng manpower at pondo para matagumpay na maitaguyod ang Grand Reunion. Hindi ko na sinama diyan ang oras na gugulin ng mga officers and committee heads.

Phase 1- PAMAMALITA AT PAGHIHIKAYAT (or Campaign & Invitation): Kailangan natin ng tarpoline sa ibat-ibang lugar, magsagawa ng motorcade sa Taguig, Pateros at Makati, at grupo- grupong house to house. Kung hindi ito gagawin, baka tayong dalawa lang ang dararating sa January 7, 2012.

Phase 2 - KAGAMPAN (or EVENT DAY): sa araw ng reunion dapat ay may maayos na sounds system para magkarinigan sa program; Venue na hindi tayo maulanan o mabilad sa araw; dapat din may mga lamesa at mauupuan tayong magsisidalo at ng mga bisitang guro; dapat naman may maayos na stage set up at d├ęcor; Mas mainam( sana)kung may mga papremyo sa games o pa-raffle para dagdag saya, diba?

Pondo kamo? Sa totoo lang, wala talagang pondo at wala na ring oras para magsagawa pa ng Fund Raising Activities. Kaya nga noon pang July 17 meeting, minabuti na magtulungan na lang lahat ng batches na subukang makalikom ng 20K (kung kakayanin niyo lang po) Sa ganun paraan, hindi na tayo mahirapan magsingilan o magticket pa, at para walang mahihiyang pumunta dahil walang pambayad.
 
SA TOTOO LANG, hanggang ngayon dalawang batch pa lang nagkakapagbigay. Kaya nga ipinamamanhik namin sa ating lahat na ’ in your best efforts’ ika nga ay matulungan natin ang event na ito na mabigyan ng pondo.

TANONG
: KUNG SIMPLEHAN LANG NATIN ANG G.A., MAGKANO BA DAPAT ANG PONDO?

SAGOT: Yan nga po ang PLAN B. Gawing simple ang lahat. Ang tinatantya natin para sa lahat-lahat ay nasa 120K- 150K. Kasama na diyan ang mga tarpoline, streamers, motorcade, stage design at sounds system at bayad sa venue. Sa halagang iyan, sa tingin natin, hindi na kaya pa ang magpa cater(food). Remember, main goal natin, libre ang entrance sa event na ito, kaya posibleng dumagsa tayo sa araw na iyon. Hindi natin mapapangakong mapapakain natin lahat yun. Para simple lang, kanya-kanyang bili na lang tayo ng food and beverage sa loob ng venue. Yayain natin ang mga schoolmates na pwedeng magtayo ng food booth sa loob ng venue natin… It is like SCHOOL FAIR inside the campus, diba?

TANONG: SIR JURIE, MATUTULOY BA O HINDI ANG PLAN B SA JAN. 7 2012?

SAGOT: Kung hindi tayo makalikom ng sapat na halaga bago ang unang lingo ng Disyembre, malilipat na ang petsa ng Grand Reunion…. marahil ay sa bandang Abril na ito! Ayaw natin mangyari yun, diba?

(Abangan ang mga iba pang tanong sa Grand Reunion, Susunod na!)

Tuesday, November 1, 2011

From the GA Chairman Issue No. 4

Dear Klasmeyts,

Nais pong iparating ng GA Officers sa inyong kaalaman na tayo po ay nagpadala na ng liham kay Ms. Ausmolo at atin syang pinasalamatan sa kanyang pag-imbita at pagtanngap sa atin sa kanyang tahanan, upang mapag usapan ang ating Grand Reunion.

Pinasalamatan rin natin sya sa kanyang alok na gamitin ng ating samahan ang SEC Registration at resibo ng SRI para sa event na ito. At ang alok na ito ay ating itinuturing na kanyang pagbibigay basbas at pagsan-ayon sa Grand Reunion na ito.

Kasunod nito ay ang ating paliwanag na minabuti natin na gumamit na lamang ng ating sariling SEC Registration at resibo.

At sa pamamagitan ng liham na ito ay atin ring ipinaabot sa kanya ang ating pangungumbida sa kanya bilang ating panauhing pandangal kasama na rina ang lahat ng ating mga naging guro at mga nagsipagtrabaho sa SRI.

Sa kadahilanang ito, malugod naming ibinabalita sa lahat na ang Grand Reunion ay tuloy na tuloy na po, at ang original date na January 7, 2012 ay tuloy pa rin maliban na lamang kung may masidhing dahilan at ito ay mailipat ng ibang araw.

Kami po ay nananawagan sa LAHAT ng mga Officers at Batch Representatives na kung maaari po sana ay magsidating tayo sa General Membership meeting sa Sunday, November 6, 2011, sa Ususan Barangay Hall, 2:00 pm. AASAHAN po namin ang inyong pagdalo, , ,PLEASE !

Kulang na po tayo sa oras, subalit ito ay kaya pa rin nating ituloy, magtiwala po kayo sa GA Committee at ibigay ang inyong full support at cooperation. Yan po ang aming hinihingi sa lahat upang maging matagumpay ang pagtitipon na ito.

Klasmeyt nyo po ako,

Angel Santamaria Mercado