Wednesday, November 16, 2011

The GA VENUE


The first ever 
SRI Grand Alumni Reunion 
is happening here. 
Be a part of this, be there as it unfolds
as we make this historical event of our life.

MGA TANONG SA REUNION Part 2


TANONG:       SAAN PO BA TALAGA GAGANAPIN ANG GRAND REUNION?
SAGOT:          Ang  SRI Grand Reunion ay gaganapin sa CAYETANO SPORTS COMPLEX,  Bagumbayan, Taguig City, sa ika-7 ng Enero, 2012 magmula 2PM hanggang  ika-12 ng umaga.

TANONG:       KANINO AT PAANO MAGBIBIGAY NG FINANCIAL HELPS or PLEDGES FOR THE EVENT?
SAGOT:          There are two ways:  Una, personal na iabot ng inyong treasurer kay MS. EMMA MERCADO at kayo po ay dapat mabigyan ng resibo. Ikalawa, pwede din naman ideposito ninyo sa Grand Alumni account number:  194-3-19424322-8 METROBANK PATEROS BRANCH.  Dapat po ay maitabi niyo ang inyong Deposit Slip bilang record ninyo.

TANONG:       HANGGANG KAILAN BA DAPAT MAGBIGAY NG PLEDGE?
SAGOT:          Hangga’t mas maaga mas mabuti. Ang totoo niyan,  sana po ay maipasok ninyong lahat ng tulong bago mag- ikalawang linggo ng Disyembre, 2011

TANONG:       MAGKANO PO ANG ENTRANCE SA GRAND REUNION?
SAGOT:       Wala pong bayad ito…. Wala ring ticket na ibinibenta…. Bukas ito sa lahat ng NAGSIPAGTAPOS SA SRI (1956 – 2008) Welcome LAHAT  - WALANG BAYAD!

TANONG:       PAANO PO AKO PWEDENG MAG-ACTIVE SA GRAND ALUMNI REUNION?
SAGOT:          Naku! Napakagandang tanong iyan! J   Maraming tao ang kailangan natin para magtulong-tulog for this  Grand Reunion.   Ito ang mga sumusunod na DAPAT MAY TUTULONG!
1.       OPLAN House to House (maraming grupo ito na gagawin ng weekends) Masaya ‘to!
2.       Motorcade sa Pateros, Taguig, Makati (mas lalaong masaya ito)
3.       Mga magsisiganap sa stage:  Singers, dancers at mga presentasyon
4.       Segment hosts, Directors  at choreographers  para sa programa
5.       Magsasaayos ng Exhibit Wall
6.       Mag sasaayos ng stage design at venue
7.       Mga mangangalap ng tulong pinansyal at hindi pinansiyal
Inaanyayahan kitang dumalo sa DECEMBER 4, 2PM sa Ususan, Baranggay Hall. Nais kitang makilala ng lubos.

Note:   Sa lahat po ng may nais magtanong, paki email lang po sa   juriesriga@gmail.com o mag post ng comment sa  http://nagsipagtapossasri.blogspot.com    Ang mga tanong na ito ay PM sa atin sa facebook,  jurie_roa@yahoo.com
                      MARAMING GAGAWIN, SANA… MARAMI DIN ANG TUMUTULONG!

Wednesday, November 9, 2011

MGA TANONG SA Grand Reunion

TANONG: SIR JURIE, HOW TRUE NA MAY GRAND REUNION?

SAGOT: YES! Huli ka na ata sa balita. July pa nang magsimulang umingay ang grand reunion na ito. July din nahalal ang organizing committee at hinamon na gawin ang GRAND ALUMNI REUNION na ito sa JANURY 7, 2012. Sa maikling panahon at sa gitna ng maraming paghamon , pinipilit parin na maitaguyod ang MALAKIHANG PAGTITIPONG ITO sa petsang napagkasunduan noong unang general meeting. Mayroong Plan A, pero dahil sa maraming dahilan, PLAN B na ngayon ang pinagsisikapan maisakatuparan. Ang dakilang hangarin sa event na ito ay ANG MAKADALO ANG NAKAKARAMI NA WALANG TIKET NA BABAYARAN.

TANONG: PAANO MAITATAGUYOD ANG GRAND REUNION, MAY PONDO BA?

SAGOT: May dalawang importanteng phases ang kailangan ng manpower at pondo para matagumpay na maitaguyod ang Grand Reunion. Hindi ko na sinama diyan ang oras na gugulin ng mga officers and committee heads.

Phase 1- PAMAMALITA AT PAGHIHIKAYAT (or Campaign & Invitation): Kailangan natin ng tarpoline sa ibat-ibang lugar, magsagawa ng motorcade sa Taguig, Pateros at Makati, at grupo- grupong house to house. Kung hindi ito gagawin, baka tayong dalawa lang ang dararating sa January 7, 2012.

Phase 2 - KAGAMPAN (or EVENT DAY): sa araw ng reunion dapat ay may maayos na sounds system para magkarinigan sa program; Venue na hindi tayo maulanan o mabilad sa araw; dapat din may mga lamesa at mauupuan tayong magsisidalo at ng mga bisitang guro; dapat naman may maayos na stage set up at décor; Mas mainam( sana)kung may mga papremyo sa games o pa-raffle para dagdag saya, diba?

Pondo kamo? Sa totoo lang, wala talagang pondo at wala na ring oras para magsagawa pa ng Fund Raising Activities. Kaya nga noon pang July 17 meeting, minabuti na magtulungan na lang lahat ng batches na subukang makalikom ng 20K (kung kakayanin niyo lang po) Sa ganun paraan, hindi na tayo mahirapan magsingilan o magticket pa, at para walang mahihiyang pumunta dahil walang pambayad.
 
SA TOTOO LANG, hanggang ngayon dalawang batch pa lang nagkakapagbigay. Kaya nga ipinamamanhik namin sa ating lahat na ’ in your best efforts’ ika nga ay matulungan natin ang event na ito na mabigyan ng pondo.

TANONG
: KUNG SIMPLEHAN LANG NATIN ANG G.A., MAGKANO BA DAPAT ANG PONDO?

SAGOT: Yan nga po ang PLAN B. Gawing simple ang lahat. Ang tinatantya natin para sa lahat-lahat ay nasa 120K- 150K. Kasama na diyan ang mga tarpoline, streamers, motorcade, stage design at sounds system at bayad sa venue. Sa halagang iyan, sa tingin natin, hindi na kaya pa ang magpa cater(food). Remember, main goal natin, libre ang entrance sa event na ito, kaya posibleng dumagsa tayo sa araw na iyon. Hindi natin mapapangakong mapapakain natin lahat yun. Para simple lang, kanya-kanyang bili na lang tayo ng food and beverage sa loob ng venue. Yayain natin ang mga schoolmates na pwedeng magtayo ng food booth sa loob ng venue natin… It is like SCHOOL FAIR inside the campus, diba?

TANONG: SIR JURIE, MATUTULOY BA O HINDI ANG PLAN B SA JAN. 7 2012?

SAGOT: Kung hindi tayo makalikom ng sapat na halaga bago ang unang lingo ng Disyembre, malilipat na ang petsa ng Grand Reunion…. marahil ay sa bandang Abril na ito! Ayaw natin mangyari yun, diba?

(Abangan ang mga iba pang tanong sa Grand Reunion, Susunod na!)

Tuesday, November 1, 2011

From the GA Chairman Issue No. 4

Dear Klasmeyts,

Nais pong iparating ng GA Officers sa inyong kaalaman na tayo po ay nagpadala na ng liham kay Ms. Ausmolo at atin syang pinasalamatan sa kanyang pag-imbita at pagtanngap sa atin sa kanyang tahanan, upang mapag usapan ang ating Grand Reunion.

Pinasalamatan rin natin sya sa kanyang alok na gamitin ng ating samahan ang SEC Registration at resibo ng SRI para sa event na ito. At ang alok na ito ay ating itinuturing na kanyang pagbibigay basbas at pagsan-ayon sa Grand Reunion na ito.

Kasunod nito ay ang ating paliwanag na minabuti natin na gumamit na lamang ng ating sariling SEC Registration at resibo.

At sa pamamagitan ng liham na ito ay atin ring ipinaabot sa kanya ang ating pangungumbida sa kanya bilang ating panauhing pandangal kasama na rina ang lahat ng ating mga naging guro at mga nagsipagtrabaho sa SRI.

Sa kadahilanang ito, malugod naming ibinabalita sa lahat na ang Grand Reunion ay tuloy na tuloy na po, at ang original date na January 7, 2012 ay tuloy pa rin maliban na lamang kung may masidhing dahilan at ito ay mailipat ng ibang araw.

Kami po ay nananawagan sa LAHAT ng mga Officers at Batch Representatives na kung maaari po sana ay magsidating tayo sa General Membership meeting sa Sunday, November 6, 2011, sa Ususan Barangay Hall, 2:00 pm. AASAHAN po namin ang inyong pagdalo, , ,PLEASE !

Kulang na po tayo sa oras, subalit ito ay kaya pa rin nating ituloy, magtiwala po kayo sa GA Committee at ibigay ang inyong full support at cooperation. Yan po ang aming hinihingi sa lahat upang maging matagumpay ang pagtitipon na ito.

Klasmeyt nyo po ako,

Angel Santamaria Mercado

Monday, October 31, 2011

LIHAM KAY MRS. AUSMOLO

October 31, 2011

MS. ANITA L. AUSMOLO
Officer-In_Charge
Southern Rizal Institute
Pateros, Metro Manila

Dear Ma'am,

Isang magandang araw na pagbati mula sa Samahan ng mga Nagsipagtapos sa SRI ! Mahal namin kayo.

Una, nais naming magpasalamat sa inyong paanyaya at pagtanggap sa amin sa inyong tahanan noong October 2, 2011, upang mapag usapan at magkapaliwanagan ng ating mga pananaw ukol sa nalalapit na malaking pagtitipon naming mga nagsipag aral sa SRI. Ito po ang unang pagkakataon na magkakaroon ng ganitong uri ng pagtitipon na pangkalahatan at kami po ay nalulugod na ang aming paaralan, ang SRI, sa inyong pamamagitan, ay kasama namin sa adhikaing ito.

Nais rin po naming ipaabot ang aming pasasalamat sa inyong kagandahang loob na ialok na magamit ng aming samahan ang SEC Registration at ang mga resibo ng SRI at nang sa ganun ay hindi na kami kailangan pang gumastos at mag abala ukol sa mga bagay na ito. Isang malaking kasiyahan po ito sa amin sapagkat sa pamamagitan ng alok na ito ay inyo pong pinagtibay ang inyong pagsang ayon na ganapin ang pagtitipon na ito.

Nais po naming ipaalam sa inyo na ang suhestiyon na ito ay masinsin na pinag aralan ng aming mga tagapamalakad at inihain rin sa kabuuan ng mga mag aaral ng SRI na kaanib sa samahan na ito. Matapos ang malawakan na diskurso at patas na pagdinig sa mga ideya ng marami, ang samahan po ay dumating sa desisyon na kami po ay magpaparehistro na lamang ng aming sariling SEC Registration at magpagawa ng aming sariling resibo. Ito po ay sapagkat inaasahan po namin na maipagpapatuloy ng mga susunod na mga tagapamalakad ng samahan ang mga tuntunin at gawain ng aming samahan, kung kaya minabuti namin na ngayon pa lamang ay maisaayos na ang mga legalidad at alituntunin nito. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa ukol sa mga bagay na ito.

Nais po namin na ipaabot sa inyong kaalaman na kami po ay lubos na magiging masaya sa pagtitipon na ito kung kayo po ay darating dito bilang aming panauhing pandangal. Kasama po namin kayo at aming mga naging guro, kabilang na rin ang mga nagsipagtrabaho sa SRI, na masayang balikan ang ating mga araw na tayo po ay magkakasama sa kampus ng SRI.

Lubos na gumagalang,

MR. JURIE ROA
Head, Communications Group
Vice-Chairman, GA




Friday, October 21, 2011

SUMALI KA NA BA DITO?


 Yayain na ang lahat ng kilala mong nagtapos sa SRI, kahit anong dekada pa sila. Come one, come all, LET'S VOLT IN!  :-)  Click this link..

 




Tuesday, October 18, 2011

REGISTRATION FORM


Baka gusto niyo pong magFILL UP ng form na ito. Hingi po kayo ng kopya kay Madeth 
https://www.facebook.com/mariaeditha.virrey  or mag email sa juriesriga@gmail.com

Sunday, October 16, 2011

From the Chairman Issue No. 3

Sa aming mga kapwa mag-aaral sa SRI,

Magandang araw sa inyong lahat.
Alam namin na marami sa atin ang sabik na makaalam ng mga pinakahuling kaganapan ukol sa pag-usad ng mga usapin ukol sa ating nalalapit na Malawakang Pagbabalik Kasiyahan.  Ipagpaumanhin ninyo at medyo natagalan ang announcements na ito sa kadahilanang minabuti muna ng inyong mga officers na pag aralan at masusing busisiin and lahat ng anggulo ng mga bagay bagay na makakabuti sa kalahatan.
First, please be assured that we have proper representations from most of the classes and batches.  In the several meetings conducted, ang mga officers at mga representante ng ibat-ibang grupo ay nagsidating, kung kaya't buo ang paniniwala ng GA Officers na merong quorum at sapat na representation and authority ang GA Officers to proceed with planning and implementing the programs.  Anyone who doubts this, may please feel free to contact Mr. Jurie Roa for a copy of all the minutes of the meetings. Or you may also please contact your respective class officers or reps.  Mr. Jurie Roa will furnish them the copies of the minutes.
Second, siguro naman ay nakarating na sa kaalaman ng lahat na ang mga representatives at officers (more than 50 of them) ay nagpaunlak sa imbitasyon ni Ms. Anita Ausmolo at nagkaroon ng diyalogo sa kanyang tahanan noong October 2, 2011, Sunday.  Ang mga napag-usapan ay ang mga sumusunod:
  1. Sinang ayunan at binigyan basbas ni Ms. Ausmolo ang layunin ng GA na magkaroon ng Grand Reunion  (yeheyy!)
  2. Iminungkahi ni Ms. Ausmolo na humanap ng ibang venue sapagkat may kamahalan nga ang Megatent (at sumang ayon naman tayo) at titingnan nya raw kung makukuha natin ang Caruncho Stadium; subalit iniisip naman ng GA ng tingnan rin ang Ynares Stadium sa Kapitolyo ng Pasig
  3. Unang iminungkahi ni Ms. Ausmolo na hanggat maaari ay MANINGIL tayo ng kahit na Php250 kada isang mag aaral.  Ipinaliwanag ng grupo na mas makabubuti na ang kada batch ay magsariling mangalap ng halagang Php 20K bilang kanilang contribution, regardless kung ilan sa kanila ang dumating, upang hindi na ma-burden pa ang mga walang kakayanan na magbayad ng Php250.  Napaliwanagan naman si Ms. Ausmolo at nakita nya na mas mainam nga ang gayung arrangement, at ito ay kanyang pinaboran.
  4. Ang ibig ni Ms. Ausmolo ay huwag nang magpa rehistro ang grupo sa SEC at gamitin na lamang ang ngalan at papeles ng SRI.
  5. She also suggested na huwag magpa-imprenta ng hiwalay ng Official Receipt ang GA at gamitin na lamang ong Official Receipt ng SRI.
Third, and this is the reason why it took us some time to issue this announcement, the GA Officers met and discussed lengthily items # 4 and 5 of the above.
  1. Should we not have our own SEC registration and use the existing SRI reg instead?  The overwhelming response from the officers and the other reps is that we should have our own as we need to establish our own identity free from any incumberments from any other entity.
  2. Should we use the official receipt of SRI as suggested?  Again, the response is, we should not.  We must have our own receipt.  Because if we use the OR of SRI, we will lose personality on the account and may not have direct access on the funds either for disbursement and even for audit.
Sa mga kadahilanang ito, ngayon ay idinudulog ko sa inyong LAHAT na mga nagsipag aral sa SRI na gusto nitong Grand Reunion na ito ang mga sumusunod:
  1. We need your written comments and suggestions ukol sa mga usapin sa itaas. Payag ba tayo na gamitin ang SEC Reg ng SRI instead of having our own?  Payag ba tayong resibo na lamang ng SRI ang ating gamitin? 
  2. Kung maaari po ay pakisagot ang mga ito, at ayon po sa nakararaming kagustuhan ninyo, kami po ay magpapadala ng sulat kay Ms. Ausmolo upang ipaliwanag ang kagustuhan ng mas nakararami, ito man ay sang-ayon or hindi sa suggestions ni Ms. Ausmolo. 
  3. Mangyari po lamang na iwasan ang anumang negative or personal remarks.  Nais naming ipaalala sa lahat na si Ms. Ausmolo ay nasisiyahan sa tuntunin natin na ito at ito ay kanyang sinusuportahan.  Ang anumang suggestion nya ay dala ng kanyang personal na paniniwala para sa ikabubuti ng lahat, at dahil dito ay malaki ang ating pasasalamat sa kanya. A fair, reasonable, acceptable, and truthful comment, suggestion, and position is what we ask from you.
Last but not the least, the GA has now acknowledged that due to these delays, we no longer have time to hold this event on January 7, 2012.  The floor is now open for suggestions on when can we hold this event other than the initial date.

Lubos na gumagalang sa lahat,

Angel Santamaria Mercado
Chairman, GA SRI

From the Chairman Issue No. 2

Fellow SRI Graduates,

Peace! Everyone hold your horses. I understand that everyone is excited and are very hungry for information on developments. Salamat. Sa ikaliliwanag ng mga katanungan ng marami, kung maari ay paki intindi ang mga sumusunod:

1. Mayroon tayong Communications Team. Ang head nito ay si Mr. Jurie Roa. Lahat ng opisyal na komunikasyon ukol sa GA ay manggagaling lamang sa kanya at sa inyong lingkod, Angel Mercado. Kung mayroon kayong mga naririnig na mga talunton, ito ay maaring totoo o maaaring may kulang sa impormasyon o mali. Hintayin ang opisyal na announcement mula sa GA to confirm whatever you have heard.

2. Your GA committee is working hard to find a way para hindi magbayad ng kahit anong halaga ang lahat ng dadalo. WALA pong katotohanan na may bayad na Php 2,000 kada isang dadalo.

3. Napagkasunduan sa mga nakaraang miting na kada isang Batch ay mag try na mag raise ng at least Php 20,000 bilang kanilang share sa GA. Pwede kayong mangalap among your classmates or mag fund raising activity (with permit from GA). Ito ay para ma cover ang basic expenses like venue, pagkain, etc.

4. May general assembly for all batch representatives sa August 14, 2011 sa Lakeview Manors Clubhouse. Kung maari po lamang ay magsidating kayo at nang malinawan nyo kung mayroon kayong mga katanungan.

5. We are already talking to some possible major sponsors to help us defray some of the costs. Uulitin ko, ginagawan namin ng paraan na walang babayaran ang kahit sinoman na dadalo, subalit kami ay kumakatok sa mga puso ng mga kamag aral natin na nakakaluwag sa buhay na kung maari ay mag donate ng kahit anumang halaga. Ang inyo pong lingkod, Angel Mercado, ay nag pledge ng Php5,000 sa batch 79. Please coordinate with your respective batch representatives. Doon nyo po ibibigay sa kanila ang inyong pledge.

6. Ang GA po ay HINDI tatanggap ng individual contribution. Sa inyo pong mga batch reps ninyo ibibigay at sila naman po ang magbibigay sa GA sa ngalan ng inyong batch.

7. Lahat po ng solicitation letters ay mangagaling lamang sa ating finance committe at merong mga palatandaan ng official document ito.

8. Inaayos pa po ang ating SEC registration kung kaya hindi pa tayo makapag open ng bank account sa ngalan ng GA. Ito rin po ang dahilan kung bakit maingat ang GA in issuing any official announcements specific to solicitations lest we be cautioned.

9. Mayroon po tayong kamag aral na mga abugado na syang namamahala nito. Di na po natin sila kailangan paalalahanan at sabihan kung ano ang dapat nilang gawin. If you are not a lawyer, please step out of their way. And if you are, we'd appreciate you working on this instead of blabbering.
Sa kasalukuyan ay may mga ilan nang venue na tinitingnan. Malalaman po ninyo yan kapag may napagkasunduan na.

Again, be assured that you have a GA Committee who are all committed to ensure that this thing goes as smooth as possible with the least burden on the majority of all SRI Grads. If you do not see it on an official announcement from Mr. Jurie Roa and myself, then please wait and don't jump excitedly yet. Meanwhile, please do enjoy this SRI FB page. Gawin nating tambayan and once again reconnect with our friends. I hope this clears all matter of concerns.

Maraming salamat.

Angel Santamaria Mercado
Chairman, GA SRI

From the Chairman Issue No 1

Fellow SRI Graduates,
Three weeks ago I posted a call for a Grand Reunion for SRI.  It wasn't because I just wanted one or just for the kicks of it.
It was because I saw the posts of the more than 1,200 members of this page clamoring for one.
It was because I saw the need for all of us to simultaneously give thanks and honor to our HS Alma Mater, now long gone, with which we all have spent some of the best years of our lives, , ,find lifelong friends who are dear to us up until now, , ,and helped shape us into being the good citizens of the world that we are now.
It was because I saw the need for all of us to collectively give thanks and honor to our dear teachers and advisers who has selflessly taught us and inspired us and molded our ideals.  Remember Ms. Rosita Magapa, who has dedicated more than 30 years teaching us the rudiments of statistics, , , everybody's nanay, Ms. Priscilla Casas, , ,and Ms. Lakampuenga who never forgot to tell us that everything is Alright!!  Just to name a few . . .
Now three weeks later, this page has balooned to more that 2,600 members and counting , , , , Way to go, Andoy !!!, , ,, or as the younger batches would say, ,, Southernians !!!, , , ,
Today, me and my friends Donne, Anna, Rose, Dette, and others like Jurie, Reyn, Madeth, Faustino, and others were assigned the task to lead this big event.
What can I say, , , , I am honored.  I therefore declare that I accept this task assigned to me.
The days to come will be very busy for us.  Me and the other officers will meet with the different committees separately to discuss plans and executions.  Then we will have one big meeting for all.  From then on, we will have regular weekly meetings with the committees and regular monthly meeting with the whole group.  Afterwhich, regular updates on developments will be posted on this page.  Will Madeth and the rest of the secretariat please take note.
As we know that this vote of confidence from you comes with the hope of having this event as smooth as possible, we will bring out the best in everyone involved to make it so.  My anitos are telling me that we better make this good, , , or else, , ,
We also expect the rest of the SRI family to help us in informing those who have not heard about this yet.  Talk to them, call them, message them, text them.  Ask them to join this FB page (BTW, to the ADMIN of the page, please make this a closed group,, ,it is currently open group and our other FB friends are bothered with all our posts).
This is one big ride for all of us, , , but heck, , ,we survived SRI, , ,nothing scares us !!!
Let's Rock !!!
Angel Santamaria Mercado

2nd Gen. Assembly -0925